Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
Calendar
Provincial
Vendor tigok sa bala
Gil Aman
Jun 7, 2026
283
Views
UTAS ang 43-anyos na vendor ng barilin sa dibdib ng hindi nakilala at nakatakas na suspek noong Linggo sa Brgy. Maulawin, Pagsanjan, Laguna.
Naisugod pa sa Laguna Medical Center ang biktimang si alyas Gian subalit nalagutan din ng hininga bunsod ng malubhang tama ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril.
Sa report, dakong alas 2:00 ng madaling araw may pumarada na Honda TMX sa tapat ng bahay ng biktima.
Ng makababa mula sa motorsiklo kumatok sa bintana ang suspek at tinawag pa ang pangalan ng biktima.
Pagdungaw ng biktima, binaril siya sa dibdib at tumakas na ang hitman.
Blangko pa ang Pagsanjan police sa motibo ng pagpatay.
Magsasakang wanted sa droga swak sa kulungan
Nov 2, 2026
Dating Abucay mayor pumanaw noong Undas
Nov 2, 2026
