QC gov’t bumuo ng task force para protektahan kabataan na nagtitinda ng sampaguita

Mar Rodriguez Oct 3, 2022
185 Views

ITINATAG ng Quezon City Government ang isang “task force” na naglalayong protektahan ang mga kabataan at menor de edad na nagtitinda ng Sampaguita sa kalsada.

Binuo mismo ni QC Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang “Task Force Sampaguita” o ang Quezon City Interagency Task Force for the Special Protection of Street Children and Child Laborers sa pamamagutan ng Executive Order No. 41 Series of 2022.

Sinabi ni Mayor Belmonte na sa pamamagitan ng “joint surveillance activity” na isinagawa ng QC Public Employment Service Office (PESO) at Social Services Development Department (SSDD) sa kahabaan ng Tomas Morato. Naging kapuna-puna umano ang pagdagsa ng mga batang nagtitinda ng Sampaguita.

Nabatid kay Belmonte na inaasahang lalo pa aniyang madadagdagan ang bilang ng mga batang nagtitinda ng Sampaguita sa papalit na panahon ng Kapaskuhan at sususnod na taon (2023).

Bukod dito, sinabi pa ng QC Mayor na ang ilan sa mga kabataang nagtitinda ng Sampaguita ay hindi mga taga QC bagkos ay nagmula ang mga ito sa ibang Local Government Unit’s (LGU’s).

Aminado si Belmonte na napipilitan umano ang ilang kabataan na laan ang kanilang buong oras sa pagta-trabaho sa halip na gugulin ang kanilang panahon sa pag-aaral.

Gayunman, tiniyak ng QC Mayor susuportahan at pangangalagaan ng pamahalaaang Lungsod ang mga batang nagtitinda ng Sampaguita maging ang kanilang pamilya. a