Cocaine

Foreigner arestado s P19.6M halaga ng cocaine

102 Views

ARESTADO ang isang Amerikano na nahulihan umano ng P19.6 milyong halaga ng cocaine na itinago sa kanyang maleta.

Kinilala ang suspek na si Stephen Joseph Szuhar, na nahaharap ngayon sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Nakakuha umano ng tip ang Bureau of Customs (BOC) kaugnay ng pagdating ng isang pasahero na may dalang cocaine sa Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.

Si Szuhar ay galing umano sa Brazil at dumaan ng Doha, Qatar bago pumunta sa Pilipinas.

Nang buksan ang kanyang maleta ay nadiskubre ang 3.7 kilo ng cocaine.