Binogang babae sa Bgy. Baesa, dedo on the sport

30 Views

DEAD-on-the-spot ang 36-anyos na babae nang pagbabarilin ng lalaki sa Brgy. Baesa, Quezon City noong Martes ng suspek na tumakas sakay ng motorsiklong inagaw.

Ayon sa isang saksi, nakatayo ang biktima at bumibili ng tusok-tusok malapit sa kanyang bahay ng lapitan ng suspek na nakatakip ang mukha dakong alas-6:00 ng gabi.

Saglit na nag usap umano ang dalawa at narinig na sinabi ng suspek na “Parang hindi naman tayo magkakilala, ang tagal na natin hindi nagkita.”

Nang tumalikod ang babae, biglang bumunot ng baril ang lalaki at makailang beses na pinutukan ang babae.

Matapos ang pamamaril, tinangka umanong tumakas ng suspek sakay ng kanyang motorsiklo ngunit pumalya ito.

Dahil dito, hinarang niya ang isang dumaraang rider at tinutukan ng baril bago inagaw ang motorsiklo nito na ginamit niyang pantakas.

Habang tumatakas, nalaglag pa ng suspek ang kanyang cal .45 na baril ngunit nakatakas pa rin.

Narekober ng SOCO ang tatlong basyo ng bala, isang kalibre .45 pistol na may apat na bala, holster, ang iniwang motorsiklo ng suspek, at isang latent fingerprint mula rito.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa leeg at balikat ang biktima.

Naulila ng biktima ang anim niyang anak na pawang menor-de-edad, kabilang ang apat na taong gulang na bunso.