Calendar
Kasambahay dinakip sa pagnenok, pagsangla sa mga alahas ng amo
SWAK sa selda ang kasambahay na suspek sa paglimas ng mga personal na alahas ng kanyang amo sa Muntinlupa City.
Ipinadakip ng jewelry shop owner na si alyas Maricor sa mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco si alyas Janice ng madiskubre sa mga gamit ng kasambahay ang papel-de-ahensya ng gold necklace na nagkakahalaga ng P12,571.
Nadiskubre ng biktima ang pagkawala ng mga personal collection niya ng mga alahas sa loob ng kanyang bahay sa Alabang Hills Village sa Brgy. Cupang noong Lunes kaya’t kaagad niyang sinuri ang mga personal na gamit ng kasambahay.
Nang magtungo ang ginang, kasama ang mga tauhan ni Muntinlupa police chief P/Col. Olivia Ancheta sa bahay-sanglaan, natuklasan na may kabuuang pitong alahas na ang naisanla ng suspek na umabot sa P90,315 habang ang iba pang nawawalang alahas na nagkakahalaga ng P 94,145 ay hindi pa nababawi.
Mahaharap sa kasong pitong bilang na kasong qualified theft ang kasambahay sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office.

