NBI inaresto suspek sa online sexual exploitation

Jon-jon Reyes Jul 23, 2026
32 Views

NAARESTO ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation- Human Trafficking Division (NBI-HTRAD) ang lalaking suspek sa online sexual exploitation sa Cainta, Rizal noong Miyerkules at nasagip ang 8 biktima sa matinding pag aabuso.

Isinagawa ang entrapment, search warrant implementation, at rescue operation matapos makatanggap ng tip mula sa Royal Canadian Mounted Police Force at iba’t-ibang partner agencies hinggil sa suspek na nag-aalok ng mga menor de edad sa isang dating website kapalit ng pera.

Nadiskubre sa mobile phone ng suspek ang mga Child Sexual Abuse or Exploitation Materials (CSAEM).

Naihanda na ang mga dokumento para sa inquest proceedings laban sa naaresto para sa paglabag sa RA 11903 (Anti-Child Abuse or Exploitation Materials Act).

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, patuloy nilang paiigtingin ang pag-usig sa mga nagpapakalat ng karahasan laban sa mga kabataan katuwang ang mga lokal at internasyonal na ahensya.