Boso Himas rehas na bakal ang suspek na nagpanggap na x-ray technician matapos mabuking ng biktima na palihim niyang kinukuhaan ng video habang nagbibihis at nagpapa x-ray.

Dahil sa pag-video ng nagbibihis, ‘mamboboso’ arestado

Jon-jon Reyes Jul 23, 2026
39 Views

HIMAS rehas ngayon ang 25-anyos na lalaki na nagpanggap na x-ray technician nang maaresto dahil sa palihim na pagkuha ng video ng biktima na nagbibihis at nagpapa x-ray sa medical clinic sa Juan Luna St., Brgy. 163, Gagalangin, Tondo, Maynila noong Lunes.

Nakilala ang suspek na si alyas Jieffer.

Bandang alas-10:00 ng umaga ng magtungo ang biktimang si Rachel sa medical clinic upang mag pa x-ray.

Habang sumasailalim sa x-ray, nakakita siya ng cellphone sa ilalim ng mesa na nakatutok sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at nakitang may tumatakbong video dito. Pinatigil niya ang video at pinanood ito at nakita niya ang kanyang sarili sa video na hubad at nagbibihis muli.

Kinompronta niya ang suspek at tinanong kung bakit siya kumukuha ng video at sumagot ang suspek ng: “Sorry po, buburahin ko na lang; nag-hang lang po ang cellphone ko. Sorry po, pasensya na po.”

Bandang alas-3:20 ng hapon, dinala ng biktima at nina PCpl Robbie Russel Angeles at Pat Karl Dexter Joven ang suspek sa Women and Children Protection Section ng MPD Jose Abad Santos Station 7 para sa imbestigasyon.

Nagpakita pa ang suspek ng werson with disability ID pero batay sa beripikasyon hindi nakatala sa opisyal na database ng Maynila kaya peke ang PWD ID.

Ang suspek ay nasa kustodiya ng pulisya para sa inquest proceedings kaugnay ng paglabag sa RA 9995 (Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009) at Art. 172 (Paggamit ng Pekeng Dokumento).