Calendar
Shabu, boga, bala nasamsam sa rider
NASAMSAM ng mga pulis sa buy-bust ang mahigit P1 milyong halaga ng shabu at baril sa motorcycle taxi rider noong Miyerkules sa Taguig City.
Inaresto ng mga tauhan ni Southern Police District (SPD) Director P/BGen. Glenn Oliver Cinco si alyas Hassan ng tanggapin ang markadong salapi kapalit ng ibinentang shabu dakong alas-11:40 ng gabi sa C6 Road, Brgy. Lower Bcutan.
Umabot sa tinatayang 150 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P1,020,000, isang kalibre .45 at limang bala ang nakumpiska ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng SPD sa suspek.
Mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o ang Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang suspek sa Taguig City Prosecutor’s Office.

