Rally

51 raliyista lumabag sa batas, inaresto sa QC

27 Views

DINAMPOT ang 51 raliyista kabilang ang 13 menor de edad matapos umanong lumabag sa iba’t ibang batas at ordinansa kasabay ng mga kilos-protesta kaugnay ng SONA.

Ayon sa report, karamihan sa mga naaresto ay nasangkot sa vandalism sa kahabaan ng Commonwealth Avenue.

Bukod dito, nahaharap din ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9003 o Ecological Solid Waste Management Act, Batas Pambansa Blg. 880 o Public Assembly Act, at iba’t ibang lokal na ordinansa.

May ilan ding dinampot dahil sa pagsusuot ng mga pantakip sa mukha o balaclava, bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad upang maiwasan ang mga kaguluhan tulad ng naganap sa isang protesta sa Maynila noong nakaraang taon.

Ilan umano sa naaresto ay mga graffiti artist at hiphop artist, mula sa iba’t ibang grupo.

Sa kasalukuyan, nakakulong ang mga naarestong raliyista sa Quezon City Police District Station 6 habang isinasailalim sa kaukulang proseso at paghahain ng mga kaso.