Calendar
Mayor Isko: PBBM SONA mensahe ng pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan
PASADO para kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang mga inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) na “malinaw na mensahe ng kahalagahan ng pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan.”
“Ang kumpiyansa ng Pangulo sa lokal na pamahalaan ay pananagutan naming suklian ng resulta, hindi ng pangako,” pahayag ni Domagoso.
Sinabi niya na ang tiwala ng Pangulo ay nagbibigay sa kanila ng inspirasyon na pagbutihin pa ang paglilingkod at mapanatiling tahimik, malinis, maayos, at mapabuti ang kalagayang pangkalusugan at edukasyon sa Maynila.
Ang pagkilala ng Pangulo sa mahalagang papel ng lokal na pamahalaan sa pagpapaunlad ng bansa ang nagpapatibay sa kung ano ang matagal ng paniniwala ng lungsod na ang mabisang pamahalaan ay nagsisimula sa lokal na antas, ayon kay Mayor Isko.
Binanggit ni Mayor Moreno ang apat na prayoridad na binanggit sa SONA na direktang nakakaapekto sa lokal na pamahalaan–ang pagdaragdag sa National Tax Allotment, pagpapalakas ng kakayahang pinansyal at pang-administratibo, pagpapabuti ng pagtutulungan ng mga ahensya ng pambansang pamahalaan at lokal na pamahalaan, pagbibigay ng mas malaking responsibilidad sa mga LGU sa paghahatid ng mga pampublikong serbisyo, at pagpapatupad ng mga programang pampaunlad.
“We thank the President for taking concrete steps to address this concern, as reforms that promote greater efficiency, transparency, and accountability in the power sector will ultimately benefit millions of Filipinos, including the people of Manila,” pahayag pa ng alkalde.
