Vic Reyes

BoC kayang lampasan 2026 revenue target

Vic Reyes Jul 29, 2026
28 Views

ISANG mapagpalang araw sa lahat ng ating suki, lalo na sa ibang bansa.

Binabati natin ang mga kababayan natin sa Japan na sina:

Ma. Theresa Yasuki, Patricia Coronel, Winger dela Cruz, La Dy Pinky, Endo Yumi, Tata Yap Yamazaki, Yoshiko Katsumata, Hiroki Hayashi, Roana San Jose at kay Hiroshi Katsumata.

Binabati rin natin sina Joann de Guzman at iba pang OFW natin sa Oman.

Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan at kalusugan.

****

Maraming kababayan natin, kasama na ang mga nagtatrabaho sa Bureau of Customs (BOC), ang natuwa at pumalakpak sa panlimang “State-of-the-Nation Address” o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.

Sa isang post-SONA interview, pinuri ni Undersecretary Claire Castro ng Presidential Communications Office (PCO) ang Bureau of Customs (BOC).

Ayon kay USEC Castro “BOC has become one of the administration’s key performing agencies under the leadership of Commissioner Ariel F. Nepomuceno.”

“Its (BOC) accomplishments extend beyond what could be fully discussed during President Marcos’ SONA,” ayon kay Castro.

Sinabi pa ni Castro “na sa dami po ng accomplishments ng administrasyon…marami pa po siyang dapat na masabi patungkol sa accomplishments ng BOC.”

Naging matagumpay ang ahensya sa larangan ng revenue collection, trade facilitation, digital transformation, at paglaban sa ismagling.

Sa taong ito, naatasan ang BOC na mangolekta ng na P1 trilyung buwis, taripa at iba pang bayarin.

Marami ang naniniwala na kayang abutin at lampasan pa ng ahensya ang 2026 revenue target.

Sa kanyang post-SONA interview, sinabi ni Castro na ang major accomplishments ay naaayon sa kagustuhan ni PangulongMarcos.

“Sa totoo lang po, sa panahon ni Pangulong Marcos Jr. at ni Commissioner Ariel Nepomuceno, talagang walang nagiging issue na negatibo ang BOC.”

Tuwang-tuwa ang waterfront community sa magandang assessment ng Malakanyang sa trabaho nina Commissioner Nepomuceno.

Ayon kay Commissioner Nepomuceno, ang pahayag ng Malakanyang ay patotoo sa dedikasyon at hard work ng libu-libong opisyal at kawani ng BOC sa buong bansa.

Talagang buo ang suporta ng ahensya sa vision ni Pangulong Marcos na “more efficient, transparent and service-oriented government.”

***

Sa Sabado ay Agosto 1 na.

Isang buwan na lang, magsisimula na ang tinatawag na Christmas Season sa bansa.

Ang Holiday Season sa Pilipinas, na nagsisimula sa unang“ber month” ng taon, ang siyang pinakamatagal sa buong mundo.

Magandang balita ito dahil pataas na ng pataas ang revenue collection ng Bureau of Customs (BOC).

Nagsimula na kasing dumagsa ang mga Christmas items na mabiling-mabili sa panahon ng kapaskuhan sa bansa.

Parating na rin ang mga tinatawag na “balikbayan boxes” mula sa labas ng Pilipinas.

Ang mga balikbayan boxes ay naglalaman ng mga padalang “Christmas Gifts” ng overseas Filipinos sa kanilang mga kamag-anak at kaibigan sa Pilipinas.

At hangad ng mga taga-BOC ay makarating sa mgac onsignees ang mga regalo bago mag-Pasko o mag-New Year.

****

Tama ang ginagawang pagtutok ng ating mga kababayan sa ginagagawang impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte sa Senado.

Gusto nilang masiguro na lumabas ang buong katotohanan sa ginagawang pagdinig.

Naniniwala tayo na mapipilitan ang senator-judges na magdesisyon base sa mga ebidensya.

Alam naman siguro nila na katapusan na ng kanilang political career kung hindi tama ang kanilang magiging husga sa kaso ni VP Sara.

Kung wala siyang kasalanan, dapat lang na maabsuwelto sa mga kasong inihain laban sa kanya.

Kung maliwanag naman na talagang nagkasala, dapat lang na matanggal siya sa puwesto!

Para sa inyong komento at pagbati, mag-text sa #09178624484/email: philipreyes08@yahoo.com.)