Calendar
Bumbero sugatan nang makuryente habang rumeresponde sa sunog
SUGATAN ang 44-anyos na bumbero ng makuryente habang pumapatay ng sunog noong Miyerkules sa Muntinlupa City.
Isinugod ng ambulansya ng Philippine Red Cross sa Medical Center Muntinlupa si Senior Fire Officer (SFO) 1 Ric Jayson Celis nang magtamo ng electrical burn sa hindi natukoy na bahagi ng katawan.
Sa ulat ng Muntinlupa City fire station, sumiklab ang sunog dakong alas-10:40 ng gabi sa isang bahay sa East Kabulusan, East Service Road, Brgy. Cupang na itinaas sa unang alarma.
Mabilis namang nakapag-responde ang mga bumber kayat kaagad na naapula ang apoy ng alals-11:46 ng gabi kung saan naapektuhan ang walong pamilya o katumbas ng 50-katao.
Nanunuluyan ang mga nasunugan sa covered court ng Brgy. Cupang na pinahatiran ng pagkain ni Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon.

