BBM

PLM ginawaran ng honorary Doctor of Laws si Pangulong Marcos

Edd Reyes Aug 27, 2026
37 Views

GINAWARAN ng honorary Doctor of Laws, Honoris Causa ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa ika-58 seremonya ng pagtatapos noong Huwebes sa Philippine International Convention Center (PICC).

Si PLM President Atty. Domingo Reyes Jr. ang nagbasa ng diploma sa seremonya sa pagkakaloob ng katibayan sa ngalan ng Board of Regents at katuwang si Mayor Isko Moreno Domagoso sa pagkakaloob ng akademikong kasuotan kay Pangulong Marcos.

Ang alkalde rin ang nagpakilala sa Pangulo sa mga nagtapos ng class of 2026 ng PLM.

“Today I stand before you humbled as the Pamantasan ng Lungsod ng Maynila confers upon me the degree of Doctor of Laws, honoris causa, its highest honorary degree. I receive this honor with gratitude, mindful of the responsibility that comes with it,” pahayag ni Pangulong Marcos, Jr..

Sinabi ng Pangulo na ang tinanggap na pagkilala ang nagpatibay sa prinsipyo ng kanyang administrasyon na ang edukasyon ang daan sa oportunidad, pag-unlad at sandigan sa pagtatayo ng matatag na bansa na kaakibat sa temang “Mga Makabagong Pantas: Taglay ang Karunungan Tungo sa Kadakilaan at Kaunlaran.”

“I therefore accept this recognition with a renewed commitment to uphold the values that this university has long championed: Karunungan, Kaunlaran, Kadakilaan, wisdom, progress, and greatness,” sabi ng Pangulo.

Hinimok din niya ang mga nagtapos na panatilihing gabay ang karunungan at ihandog ang kanilang mga tagumpay sa pag-unlad ng bansa.