Calendar
PCG-Chicago Consul Gen. Diano pinuri PMAC, PMAC Auxiliary sa dedikasyon sa trabaho

DUMALO si Philippine Consul General Melanie Rita Diano ng Chicago sa 66th anniversary at 60th Auxiliary Induction Ball ng Philippine Medical Association in Chicago (PMAC) sa Hyatt Regency O’Hare Chicago, Illinois.
Pinagsama-sama sa event ang mga doktor na Pilipino at Filipino-American, mga health professionals at mga lider ng komunidad mula sa Chicago.
Pinuri ni Diano ang PMAC at ang PMAC Auxiliary sa dedikasyon sa trabaho at mga gawaing makatao sa komunidad.
Mahalaga ang papel ng mga Fil-Am healthcare workers sa ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, lalo na at ipinagdiriwang ang ika-80 anibersaryo ng diplomatic relations ng dalawang bansa, ayon sa opisyal.
Tampok din sa programa ang pagpapanumpa sa mga bagong halal na opisyal ng PMAC at ng Auxiliary para sa bagong termino.
Ang PMAC ay patuloy na naglilingkod bilang organisasyon sa Midwest upang isulong ang advancement sa medisina.
