Suspek1

PRO 4A cops inaresto 72 suspek sa halu-halong kaso

22 Views

Suspek

KAMPO VICENTE LIM, Calamba City–Arestado ang 72 wanted persons sa mga miyembro ng Police Regional Office (PRO) 4A sa loob ng 24 oras.

Ginawa ang kga operasyon mula alas-6:00 ng umaga noong Seot. 8 hanggang ika-9:00 ng umaga noong Setyembre 9.

Bumagsak sa kamay ng batas ang 16 na Most Wanted Persons (MWPs) at 56 na Other Wanted Persons (OWPs).

Kabilang sa mga nasapul ang mga may kasong rape, acts of lasciviousness, carnapping at Anti-Violence Against Women and Their Children Act.

Ayon kay PBGen Dominic Baccay, director ng PRO 4A, bunga ito ng pinalakas na “B.E.S.T. Policing Framework” ang pag-aresto.

Nakakulong ang mga suspek sa mga arresting units.