Calendar
4 nasukol sa pagkuha ng electrical wires
APAT na lalaki ang naaresto matapos umanong maaktuhang nagtatanggal ng electrical wires sa compound sa Brgy. Don Manuel, Quezon City.
Kinilala ang mga suspek sa alyas na Jas, 20; Jon, 19; Mar, 20; at Aldy, 26, ayon sa ulat ng Galas Police Station 11.
Nakita ng complainant ang mga suspek na pumasok sa compound sa D. Tuazon St. dakong alas-5:30 ng umaga at pinagkakalas ang mga electrical wire at iba pang materyales.
Humingi ng tulong sa pulisya ang complainant kaya rumesponde ang mga tauhan ng PS 11.
Dakong alas-6:30 ng umaga, naaktuhan umano ng mga pulis ang apat habang ginagawa ang krimen kaya agad silang inaresto.
Narekober sa mga suspek ang mga electrical wire, dalawang Meralco meter base, 3.2-meter na metal pipe, isang sako at dalawang bag ng iba’t ibang gamit na umano’y ginamit sa pagputol ng mga kable.
Kinasuhan ng robbery ang apat sa Quezon City Prosecutor’s Office.

