Calendar
Mobile clinic sa Hermosa bukas na
HERMOSA–Bukas na ang ๐๐๐ซ๐ฆ๐จ๐ฌ๐ ๐๐จ๐๐ข๐ฅ๐ ๐๐ฅ๐ข๐ง๐ข๐ na maghahatid ng iba’t-ibang serbisyong pangmedikal at laboratory services sa mga Hermoseรฑo, ayon kay Mayor Ann Inton.
Mas mapapalapit ang de-kalidad na serbisyong medikal sa bawat barangay at hindi na kailangang lumayo pa ang mga Hermoseรฑos upang makatanggap ng pangunahing konsultasyon, pagsusuri at kailangang gamot.
Tagumpay ang programa dahil sa pagtutulungan ng Sangguniang Bayan ng Hermosa sa pangunguna ni Mayor Anne Adorable-Inton, Hermosa Health team sa pangunguna naman ni Dr. Warren Valencia, @Konsehala Gelly Grace Santos, at ng buong RHU staff.
Nakasama rin sa programa sina Vice Governor Chris Garcia; Cong. Atty. Tony Roman; Bokal Godofredo “Doc Bong” Galicia Jr. ; at Bokal Mylene Serrano.
“Asahan po ninyo ang ating patuloy na pagsuporta at pakikipagtulungan para sa de-kalidad na serbisyong pang-medikal para sa bawat pamilyang Hermoseรฑo at pamilyang Bataeรฑo,” dagdag ni Mayor Inton.

