Abalos

Abalos: MinOr oil spill matinding pagsubok

Jun I Legaspi Mar 2, 2025
24 Views

MATINDING pagsubok ang oil spill na naganap sa Pola at iba pang lugar sa Oriental Mindoro noong 2023, ayon sa dating kalihim ng at ngayo’y tumatakbong senador na si Benjamin “Benhur” Abalos, Jr.

Mismong si Pola Mayor Jennifer “Ina” Cruz ang nagpatunay kung paano naging mabilis at epektibo ang aksyon upang mapagaan ang maaaring pinakamalalang epekto ng oil spill sa mga pamayanang pangisdaan sa Mindoro.

“Lahat po ng nandito nagpapasalamat po dahil una po kayo sa nagbigay ng importansya sa amin. Maraming salamat po,” dagdag ng alkalde.

Umaga ng Pebrero 28, 2023 lumubog ang oil tanker na MT Princess Empress sa karagatan ng Naujan, Oriental Mindoro. Nagdulot ng malawakang oil spill ang paglubog dahil sa 900,000 litro ng industrial fuel oil na karga ng tanker.

Malubhang naapektuhan ng insidente ang maraming mangingisda hindi lamang sa Oriental Mindoro kundi pati sa Batangas at Palawan.

Habang abala ang mga ahensya ng gobyerno sa pagpigil sa pagkalat ng langis, itinuon ni Abalos ang kanyang oras at lakas sa paghahanap ng mga paraan upang mapagaan ang epekto ng trahedya sa libu-libong mangingisda.

Siya ang nagmungkahi kay Pangulong Marcos na ipatupad ang isang “cluster approach upang tiyakin na lahat ng mangingisda may mapagkukunan ng kabuhayan at maiwasan ang sobrang siksikan sa isang lugar.”

Ayon kay Mayor Cruz, mismong mga taga-Pola ang nakasaksi kung paano kumilos si Abalos para sa mga mamamayan ng Oriental Mindoro.

“Alam ko po, pagdating ng panahon, sir. Alam ko po na hindi ninyo makakalimutan ang bayan ng Pola kapag senador na po kayo,” dagdag pa niya.