Rodriguez2 Ang ACT-Agri-Kaagapay Organization founder na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez

ACT-Agri Kaagapay Organization pagdeklara ni PBBM sa Hulyo na PH Agriculturists Month

84 Views

PINURI ng grupong ACT-Agri Kaagapay Organization ang hakbang ni Pangulong Ferdinand Bong Bong Marcos Jr. na ideklara ang buwan ng Hulyo ng bawat taon, bilang “Philippine Agriculturists’ Month”, sa layuning palakasin ang awareness hinggil sa agriculture center ng bansa.

Nabatid na inisyu ni Pangulong Marcos ang kautusan sa pamamagitan ng Proclamation No. 544 na nilagdaan noong Mayo 10, upang i- transform ang Philippine agriculture at gawing isang dynamic, high-growth sector dahil ito ang backbone ng ekonomiya dahil nakapagbibigay ito ng trabaho.

Ayon kay ACT-Agri-Kaagapay Organization founder na si Ms. Virginia Ledesma Rodriguez, author ng librong “Leave Nobody Hungry”, ang agricultural development ay isa sa maituturing na ‘most powerful tools’ upang tuldukan ang matinding kahirapan, at nagkakaloob sa atin ng pagkain, na pangunahing pangangailangan ng mamamayan.

“Modernizing the country’s farming and food systems is important to ensure strong food value chains, affordable and nutritious food, and a vibrant rural economy,” she said, adding “we are very fortunate that President Marcos is giving his full support to all the Filipino farmers by declaring July as agricultural month,” ani Rodriguez.

Dagdag pa ni Rodriguez, na apo ng yumaong si dating Senator at dating Supreme Court Justice Estanislao Fernandez, ang industriya ng agrikultura ay ikinukonsidera bilang isa sa pinakamalaking pinagkukunan ng hanapbuhay, maging sa pagsasaka man, harvester, technician para sa farm equipment, scientist, at iba pang uri ng employment.

Malaking porsiyento rin ng mga mamamayan ang nabibigyan nito ng hanapbuhay.

Sa ilalim ng Proclamation 544, ang pagdiriwang ng Philippine Agriculturists’ Month ay sasabak sa mga propesyonal na agriculturists sa adbokasiya ng agrikultura, pagsasaliksik at pagbabalangkas ng patakaran at magbibigay ng paraan para sa pagbuo ng negosyo, pagsasanay sa komunikasyon, at pagpapaunlad ng komunidad.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos, na nagsilbi rin bilang punong pang-agrikultura bago ibigay ang posisyon sa fishing tycoon na si Francisco Tiu Laurel Jr., na ang agrikultura ay gumaganap ng makabuluhang papel sa pagtiyak ng seguridad sa pagkain, gayundin sa pagpapaunlad ng pangangalaga sa kapaligiran at balanseng urban at rural development.

Inaatasan ng proklamasyon ang Department of Agriculture, at ang Professional Regulation Commission at Board of Agriculture na pangunahan, i-coordinate, at pangasiwaan ang observance ng Philippine Agriculturists’ Month.