CAAP

Air traffic shutdown sa Mayo 17 pinaikli ng CAAP

235 Views

SA halip na anim na oras, pinaikli ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang air traffic shutdown sa Mayo 17.

Ayon sa CAAP sa halip na mula alas-12 ng hatinggabi hanggang 6 ng umaga, ang shutdown ay magiging mula alas-12 ng hatinggabi hanggang 4 ng umaga na lamang kaya mas konting biyahe ang maaapektuhan nito.

Kailangang tumigil ng operasyon ang CAAP para sa isasagawang Air Traffic Management Center Corrective Maintenance Activity.

“We apologize for any inconvenience that this schedule change may cause, and we appreciate your understanding and cooperation as we work to maintain the recommended standards of air traffic management in the country,” sabi ng CAAP sa isang pahayag.

Gumagawa ng mga hakbang ang CAAP upang maiwasan ang pagkakaroon ng aberya sa mga biyahe ng eruplano sa hinaharap.