Bryan Co

Electrical audit sa NAIA 3 sinimulan na

92 Views

SINIMULAN na ng Manila International Airport Authority (MIAA), sa tulong ng power distributor na Manila Electric Co. (Meralco) ang pagsasagawa ng electrical audit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon kay MIAA officer-in-charge Bryan Co inaasahan na matatapos ang audit sa loob ng tatlong linggo.

Kapag natapos ang audit, sinabi ni Co na matutukoy na ang mga kagamitan na kailangang i-upgrade, i-rehabilitate o bilhin ng MIAA para maiwasan ang aberya sa kuryente sa NAIA Terminal 3.

Susunod umanong tutukuyin ng MIAA ang kailangang budget at oras kung saan isasagawa ang pagsasaayos.

“Yes, kailangan naming bumili or mag lease ng additional generators and we are discussing with stakeholders and that’s the time na madetermine kung magkano ang kailangang budget,” dagdag pa ni Co.