Speaker Romualdez

Ako Bicol, Speaker Romualdez pinangunahan pagtulong sa biktima ng bagyo sa Bicol

86 Views

NANGUNA ang Ako Bicol Party-List, katuwang si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa paglulungsad ng malawak na relief and rescue operation sa Bicol region kasunod ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Agad na tumugon si Speaker Romualdez sa panawagan ng Ako Bicol at nagpadala ng 20 rubber boat, outboard motor, at iba pang mahalagang rescue equipment na inihatid ng C130 military aircraft.

Dumating ang mga kagamitan, kasama ang mga life vest, life buoy, traction rope, at rope throwing bags sa kasagsagan ng isinasagawang search and rescue operations sa Bicol kaya nakatulong oito sa mga lokal na mga rescue operations.

“These tools were vital as we faced severe flooding that displaced thousands of our kababayans,” ani Ako Bicol Rep. Zaldy Co. “We are deeply grateful for Speaker Romualdez’s prompt action.”

Ang mga rescue equipment ay ipinagamit sa mga pangunahing ahensya kasama ang lokal na pamahalaan ng Camarines Sur, 9th Infantry Division, Philippine Coast Guard, at PNP Maritime Group, upang mapataas ang kanilang kakayanan na makapagligtas ng buhay.

Namahagi naman ang Ako Bicol Party-List ng mahigit 18,000 food packs sa iba’t ibang bahagi ng rehiyon, kung saan 12,218 ang galing sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at 5,793 ang galing sa pondo ng party-list group.

Nakarating ang pamimigay sa 19 na barangay sa Albay, Camarines Sur, at Sorsogon.

Nagpadala rin ang Ako Bicol ng 500 kumot at 2,000 modular evacuation tents upang tulungan ang mga residente na nawalan ng matutuluyan.

Binigyan din ng mainit na pagkain at tubig na maiinom ang mahigit 800 katao, kasama ang 20 pamilya sa Malilipot, 500 indibidwal sa Tabaco Port, at 642 sa iba’t ibang lugar sa Sorsogon.

Naghanap din ang Ako Bicol ng mga heavy equipment gaya ng bulldozer, backhoe, at dump trucks na magagamit sa paglinis ng mga kalsadang hindi madaanan gaya ng Sagnay-Tiwi road upang maging mabilis ang isinasagawang relief operation