Alden

Alden, inaming artista ang TOTGA

Vinia Vivar May 19, 2022
285 Views

Since namumuhay na nang solo si Alden Richards, siya na mismo ang gumagawa ng mga gawaing-bahay tulad ng paglilinis at paglalaba.

“Therapy kasi ’yung OCD (obsessive-compulsive disorder) ko para sa akin. Inaayos ko ‘yung mga bagay, so mas nakakapag-isip ako nang maayos. Lalo pa nu’ng time na pandemic. Walang cleaners, wala kang pwedeng tawagan to clean the house. Ako lahat ‘yun. Kaming dalawa ni Mama Ten (his PA, Tenten Mendoza) ‘yan,” kwento ni Alden sa podcast ni Nelson Canlas.

“Walis dito, vaccum dito, laba dito, pagpag ng alikabok dito,” aniya.

“Tapos everyday, everyday na ginawa ni Lord, bago ako umalis ng condo, iikutin ko lahat. May final check ’yan, final inspection kahit alam kong maayos ba,” dagdag niya.

’Pag nakita niyang okay lahat, saka pa lang daw siya aalis. Dahil gusto raw niya na ganu’n din pagbalik niya.

“Kailangan ako lagi ‘yung huling lalabas,” aniya.

Pagdating naman sa lovelife, natanong si Alden kung nabasted na ba siya.

“No. Nag-give way, yes,” sagot niya.

Natanong din kung mayroon ba siyang babaing itinuturing na TOTGA (the one that got away), ang bilis ng “yes” ni Alden.

Tinanong siya kung artista ba ito at “yes” din ang sagot niya.

Pero wala nang ibinigay na detalye ang aktor tungkol dito.

TOP SPOT

Nasungkit agad ng comeback teleserye nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na 2 Good 2 Be True ang No.1 spot sa listahan ng most watched series ng Netflix Philippines.

“Sobrang pasasalamat siyempre kasi ang tagal natin itong trinabaho tapos para makita mo ’yung reaction ng tao na natanggap nila ng buong-buo,”ani ni Kathryn sa gap show ng serye sa Kapamilya Online Live sa YouTube.

Inantabayanan din ng viewers ang pag-ere nito ng pilot episode sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV at Cinemo noong Lunes (Mayo 16) kung saan tumabo ang episode ng 130,000 concurrent viewers sa YouTube channel ng ABS-CBN.

Samu’t saring emosyon ang naramdaman ng publiko sa unang episode at umani rin ng magagandang papuri mula sa netizens sa maganda nitong cinematography at nakaka-aliw na eksena ng KathNiel at iba pa nitong cast members.

Tweet ni @mrandmrsford, “Yung kailangan ko ulitin mga episode kasi nauuna ung kilig ko kaysa sa intindihin ung story. team kilig.”

“Now watching #2Good2BeTrue shocks umpisa pa lang ang ganda na parang movie,” saad ni @alexagail_.

Sabi ni @btrzkji, “Ang ganda kasi ng pagkakabuo ng 2 Good 2 Be True nila Kathryn and Daniel. It was worth the wait for us, fans. Sobrang quality ng bawat episode na nilalabas so aabangan mo talaga. Congratulations sa buong team ng 2G2BT! #2GoodAtFirstSight.”

Patuloy na napapanood ang advance episodes ng 2 Good 2 Be True sa Netflix at iWantTFC. Maari rin subaybayan ito Lunes hanggang Biyernes, 8:40 p.m. sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5,

Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment, Jeepney TV at Cinemo.