ayanna

Grupo ng ‘Putahe,’ pinatawad ng mayor

Vinia Vivar May 14, 2022
241 Views

Ang daming karanasan ng cast and production team sa shooting ng pelikulang Putahe ng Viva Films na pinagbibidahan ni Ayanna Misola.

Ten days na nag-shoot ang cast at production team sa Pandan Island sa Mindoro. Wala raw kuryente sa nasabing isla kaya naman nagdusa talaga sila sa init.

Mayroon namang charging station ng kanilang gadgets dahil may solar panel ang isla pero sa tuwing magtsa-charge sila ay kailangan pang dalhin sa charging station na malayu-malayo rin.

Kapag maliligo naman sila ay mag-o-order pa sila ng tubig mula sa kabilang ibayo kaya medyo matagal din.

Ang isa pang nakakalokang experience, muntik na raw silang ipakulong ng mayor ng Mindoro.

May eksena kasi na kailangan nila ng isda na gagamitin ng bidang si Ayanna.

Nakatakas daw kasi ang isda na una nilang ginamit kaya kinailangan nilang maghanap ng kapalit.

Kwento ng direktor na si Roman Perez Jr., bawal mangisda sa isla dahil marine protected ito at napagbintangan daw ang grupo nilang nangisda sa dagat.

“Allegedly, mayroong nangingisda na grupo ng Viva (Films). Eh, hindi naman totoo. At ang daming fish na nakuha,” kwento ni Direk.

Ipinatawag sila ng mayor at pumunta naman sila para i-clear din ang pangalan ng Viva Films.

“Siyempre, dadamputin kami talaga at ‘di kami pauuwiin,” ani Direk.

Pinatawad naman sila ng mayor at naliwanagan daw naman ang nangyari.

Samatala, napanood namin ang Putahe sa private screening na ginanap last Wednesday at na-capture naman talaga ang ganda ng dagat sa Pandan Island.

Sagana sa mga sexy scene nina Ayanna at Janelle Tee ang pelikula pero maganda ang pagkaka-execute ni Direk Roman, especially ang love scenes ng dalawang sexy stars na siyang highlight ng movie.

Nalula rin kami sa dami ng maiinit na eksena ni Janelle dahil bukod sa tikiman nila ni Ayanna ay may love scenes din siya sa halos lahat ng male cast kabilang na sina Mossimo Scofield, Chad Solano at Mon Confiado.

Pero sa huli ay gugulatin kayo sa ending ng pelikula at panoorin n’yo na lang kung bakit.

Kasalakuyan nang palabas ang Putahe sa Vivamax.