Bitoy

Bagong mukha ng bubble Gang

Ian F Fariñas May 14, 2022
230 Views

MAY major revamp na magaganap sa longest-running gag show ng bansa, ang Bubble Gang, ng Kapuso network simula May 27.

Bukod sa Kapamilya director na si Frasco Mortiz, may limang bagong mainstays na ipakikilala ang programa.

Ito ay sina Kokoy de Santos, Faith da Silva, StarStruck heartthrob Kim de Leon, dancer-YouTuber na si Dasuri Choi at Tuesday Vargas.

Tsugi naman ang mga tulad nina Mikoy Morales, Denise Barbacena, Liezel Lopez, Arra San Agustin, Lovely Abella, Ashley Rivera, Diego Llorico, Myka Flores at Antonio Aquitania.

Anang creative director at BG pioneer na si Michael V., “Ako, I felt the need to explain to them somehow, give them an insight kung bakit siguro nagkaroon ng ganoong dahilan.

“Unang-una para hindi talaga sumama ’yung loob nila and, at the same time, para ma-inspire sila na hindi naman ito ’yung pagtatapos talaga.”

Kailangan umanong sumabay ng show sa mga pagbabago ng panahon mula magka-pandemya kaya isinagawa ang revamp.

Ang mga na-retain sa regulars ay sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, Sef Cadayona, Valeen Montenegro, Archie Alemania, Analyn Barro, Faye Lorenzo, Kokoy de Santos at Paolo Contis.