Phivolcs

Alert status ng Taal ibinaba

208 Views

IBINABA ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang alert status ng Bulkang Taal mula Alert Level 2 at ginawang Level 1 ngayong Hulyo 11.

Ang pagbaba ng status ay kaugnay ng pagkonti ng aktibidad ng bulkan.

Mula Enero 1 hanggang Mayo 31 ay bumaba umano ang bilang nga volcanic earthquake na sanhi ng Taal. Mula Hunyo 13 ay wala na umanong naitalang lindol mula rito.

“The sustained seismic quiescence for the past month indicates that degassing and rock-fracturing processes related to magmatic activity beneath TVI have abated, and that the possibilities of magma intrusion into the main crater have significantly decreased,” sabi ng Phivolcs.

Bumaba rin umano ang naitatalang sulfur dioxide (SO2) emission ng bulkan na nangangahulugan na humuhupa ang aktibidad sa ilalim.