Calendar
Alfaro nag bida sa Red Lions
SUMANDAL ang San Beda sa 15-point outing ni Peter Alfaro upang durugin ang Jose Rizal University, 88-69, upang manatili sa quarterfinals hunt, habang sinibak ng
Letran ang University of Santo Tomas sa kontensyon sa pamamagitan ng 81-77 tagumpay sa mga krusyal na Group B na laro sa Filoil EcoOil Preseason Cup.
Nanalo ang Red Lions ng dalawa sa huling tatlong laro matapos ang 0-3 simula, habang nanatiling walang panalo ang Bombers sa limang laro.
Umangat ang Knights sa 3-2, habang nalasap ng Growling Tigers sa kanilang ikalimang pagkatalo sa pitong laro.
Pasok na Group B-leading La Salle at Lyceum of the Philippines University sa susunod na round ng tournament.
Nakakuha si Alfaro, na may tatlong rebounds at tatlong assists, ng magandang suporta mula kay James Kwekuteye, na may 13 points, anim na boards at apat na assists,
Justine Sanchez, na bumuslo ng 13 points, at JB Bahio, ang isa pang manlalaro ng San Beda sa double figures na may 11 points.
“Well yun naman talaga kasi yung philosophy ng team namin eh. I always believe that we have 13 to 15 players that we can play at anytime and its not just the players, we’re trying to build the system, the ball movement, so di naman ako nagtataka doon,” sabi ni coach Yuri Escueta.
Kumabig si King Caralipio ng 18 points at walong rebounds, habang nagdagdag si Neil Guarino ng 15 markers at anim na rebounds para sa Letran, na tinatangka na umusad sa pagkawala ni Korea-bound NCAA MVP Rhenz Abando.
“Composure ang pinaka-key word sa nangyari. Lalo na with the absence of Rhenz, talagang napilay yung team. We’re still adjusting sa rotations and combinations, we’re still solving the problem,” sabi ni Knights coach Bonnie Tan.
Tumapos sina Sherwin Concepcion at Bryan Santos ng tig-19 points para sa UST.
Pinalawig ng early Group A quarterfinalist National University ang kanilang perfect run sa pito, kung saan kinailangan ng isang malaking 33-11 second quarter run upang lupigin ang Emilio Aguinaldo College, 89-77, sa huling laro sa Filoil EcoOil Centre.
“Hindi naman big deal ang pagiging top seed. We just keep playing and improving,” sabi ni Bulldogs coach Jeff Napa. “Hinahanda na namin sa mas mabibigat na laban.”
Ang panalo ng NU ay siyang nagbigay sa College of Saint Benilde, na nagposte ng 86-78 panalo laban sa also-ran Arellano University, ng libreng tiket sa quarterfinals kasama ng walang larong Adamson.
Ibinuslo ni John Galinato ang lahat ng kanyang 12 points sa first half habang nagbigay sina Ian Manansala at John Lloyd Clemente ng tig-10 points para sa Bulldogs, na magtatangka ng ikalawang off-season crown.
Tinapos ng Blazers ang eliminations na may 5-3 record matapos magbida si Miggy Corteza na may 14 points. Umiskor naman ng tig-11 points sina Migs Oczon at Jimboy Pasturan.
“It’s a good win for us, but I still think we have a long way to go, especially with how we ended this game. I wanted the boys to show their character, and luckily, we escaped with the win,” sabi CSB coach Charles Tiu.