Calendar
Alok ng GSIS sa mga miyembro consolidated loan
INILUNGSAD ng Government Service Insurance System (GSIS) ang isang programa para sa mga miyembro ito na mayroong utang.
Ayon kay GSIS Vice President for National Capital Region (NCR)- Operations Group Rodrigo Manuel maaaring pagsama-samahin ng isang aktibong miyembro nito sa ilalim ng Multi-Purpose Loan (MPL) Plus at bayaran ito sa loob ng 10 taon.
Maaari umanong pagsama-samahin sa ilalim ng MPL Plus ang mga sumusunod:
Salary Loan
Restructured Salary Loan
Enhanced Salary Loan
Emergency Loan Assistance
Summer One-Month Salary Loan
Conso-Loan Plus / Enhanced Conso-Loan Plus
Member’s Cash Advance / eCard Cash Advance / eCard Plus Cash Advance
Home Emergency Loan Program
Educational Assistance Loan I at II
Fly PAL, Pay Later
Study Now, Pay Later
Stock Purchase Loan
Ang isang miyembro ay maaari umanong umutang ng hanggang 14 na beses ng kanyang buwanang sahod pero hindi maaaring lumagpas ng P5 milyon.
Ayon kay Manuel ang MPL Plus ay mayroong waiver of interest para sa mga hindi nababayarang utang kaya liliit umano ang babayaran ng miyembro.