Amante

Amante: Job orders sa San Pablo tatanggap ng P600 simula Enero 15

Gil Aman Jan 6, 2025
13 Views
Amante1
Makikita si Mayor Vicente Amanate kasama ang (unang litrato ) mga opisyal ng barangay at Sangguniang Panlungsod, mga pinuno ng mga departamento ng San Pablo City, (pangalawang litrato) ang hepe ng pulisya na si P/Lt. Col. Franco Allan Reglos pati mga opisyal ng BJMP at DILG. Mga kuha ni GIL AMAN

MAKATATANGGAP ng P600 simula sa Enero 15 ang mga job orders (JO) ng San Pablo City, ayon kay Mayor Vicente Amante.

Para sa kapakanan ng mga manggagawa sa lungsod na katuwang sa pagpapatupad ng mga programa at proyekto ng syudad ang dagdag na sahod.

Ibinahagi rin ni Maria Alma Barrientos, opisyal ng siyudad, ang mga parangal na natanggap ng lungsod sa nakaraang taon bilang pagkilala sa mga natatanging inisyatibo.

Dumalo sa seremonya ang mga department heads at assistant department heads mula sa iba’t-ibang tanggapan ng lokal at pambansang pamahalaan.