Velasco

Kamara nagsagawa ng fire safety and prevention measures

Mar Rodriguez Apr 1, 2022
215 Views

KAUGNAY sa pagdiriwang ngayong buwan ng “Fire Prevention Month” nagsagawa ang liderato ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni House Speaker Lord Allan Velasco ng seminar para ihanda ang mga empleyado, staff at iba pang kawani ng Kongreso sa isang “fire safety and prevention”.

Ayon kay Velasco, ang naturang lecture-seminar ay inorganisa at isinagawa ng Office of the Sergeant at Arms (OSAA) sa pakikipag-ugnayan nito sa Human Resources Management Services at Engineering Services.

Binigyang diin naman ni Sergeantat-Arms at Retired Police Brig. Gen. Rodelio Jocson sa kaniyang mensahe bago nagsimula ang seminar na napakahalaga ang pagkakaroon ng ganitong aktibidades bilang paghahanda.

Kinakailangan umanong maging handa ang sinoman dahil sa mga panahong katulad ng panahon ng tag-init ay hindi naiiwasan ang pagkakaroon ng mga sunog.

“Lahat ng mga government offices, mga workplaces. Actually dapat nagkakaroon ng mga fire safety training. Parang mandatory na iyan sa atin na kapag meron insidente ng sunog ay agad natin maaapula ang apoy kung tayo ay well educated sa “fire prevention ang safety,” paliwanag ni Jocson.

Labis na ikinagalak naman ni Velasco ang pagkakaroon ng seminar sa Mababang Kaplungan na maiututring na unang nangyari sa loob ng mabahang panahon. Sapagkat napakahalaga na maituro sa bawat empleyado ng Kongreso ang mga tamang pamamaraan sa panahon ng sunog.