Bea Bea Alonzo and Dominic Roque

Ang tunay na dahilan ng hiwalayan nina Bea at Dominic

Eugene Asis Feb 11, 2024
395 Views

DominicAN answered prayer.’

Ganito inilarawan ni Bea Alonzo ang ex-boyfriend na si Dominic Roque noong Oktubre 2023 matapos ang kanilang engagement.

Huling linggo ng Disyembre hanggang unang linggo ng Enero, nag-tour pa sila sa Japan na nai-share pa ni Bea sa kanyang Instagram account. Kasama rito ang pagpunta nila sa Mt Moiwa in Hokkaido kung saan nag-iwan sila ng sumpang forever na ang kanilang pagmamahalan sa isang love lock.

Bago rito, nagkasama pa sila sa ilang biyahe sa ibang bansa, kabilang na isang pagbisita nila sa tiyahin ni Dom na si Beth Tamayo (isa ring aktres) at pamilya nito sa San Francisco sa Amerika.

At marami pa silang ibang biyahe na magkasama.

At bigla, kung kailan love month, kinumpirma ang mga tsismis ilang linggo lang ang nakararaan na hiwalay na nga sila.

Iba-iba ang reaksyon. May nagsasabing sayang dahil bagay naman sila talaga.

So, ano ba ang pwedeng maging dahilan ng paghihiwalay?

Una, may nagsasabing gusto ni Bea at ng ina nito na si Mary Anne Ranollo na magkaroon sila ng pre-nup agreement. Kung totoo man ito, noon pa ay sinasabi na ni Dom na wala siyang problema sa pre-nup agreement.

Pangalawa, hindi raw magkasundo ang dalawa sa detalye ng kasal. Kaya naman kapag tinatanong si Bea tungkol dito, lagi niyang sinasabi na ‘wala pa.’ At may mga pahaging na ‘dapat ang lalaki ang nag-aasikaso.’

Nang tanungin namin si Dom sa isang beauty event, sinabi niyang hands on naman daw sila sa pag-aasikaso nito at sabik na rin silang magkaanak.

Balitang gusto ng dalawa na sa Italy magpakasal.

Pero mukhang hindi nga nagkasundo ang dalawa. May nagsasabing baka sa financial issue nagsimula ang problema.

Hindi rin naman daw isyu ang relasyon ni Dom sa kanyang magiging biyenan dahil close naman ang dalawa. Gayundin si Bea na close na rin sa pamilya ni Dom.

In fact, humingi pa nga ng pang-unawa si Dom para kay Bea at nakiusap sa netizen na sana iwasan na ang bashing pagdating sa dalaga.

Pero ang mga tsismis na lumulutang tungkol sa ibang personal affairs naman ni Dom ang sinasabing dahilan. Parang isang episode sa isang K-drama na nagsasanga-sanga na.

Kung titingnan ang mga dahilan na nauna, may posibilidad pa na maayos ang dalawa. Umaasa ang fans na mangyari ito, pero ang problema, kung mismong sina Bea at Dominic na ang tutol dito.

Samantala, habang marami ang tanong sa paghihiwalay ng dalawa, namataan ang mag-anak ni Bea (kasama ang ina) na namamasyal sa Singapore upang marahil ipagdiwang na rin doon ang Chinese Lunar New Year.

P400 plus K na halaga ng singsing, ibinigay on the spot

Pic
Alma Concepcion and Rhea Anicoche Tan

GRABE ang selebrasyon ng Chinese New Year sa Beautederm headquarters sa Angeles City, Pampanga sa pangunguna ng CEO ng naturang beauty, health and wellness company na si Rhea Anicoche-Tan.

Dumalo ang ilan sa kanyang mga endorser tulad nina Sam Milby, Carlo Aquino, Sylvia Sanchez, Gillian Vicencio, San Juan Councilor Ervik Vijandre, Patricia Tumulak, Bulacan Vice Governor Alex Castro at misis na si Sunshine Garcia, Ynez Veneracion, DJ Chacha at DJ Jaiho (na naging host sa masayang affair na may kasamang pa-raffle at bingo social).

Masuwerte ang lahat na dumalo pero ang pinakamasuwerte sa lahat ay ang aktres at entrepreneur na si Alma Concepcion dahil on the spot, binigyan siya ng napakabait na Beautederm boss ng isang singsing na nagkakahalaga ng kulang-kulang P500 thousand.

Ito ay dahil sa kanyang loyalty kay Rhea. Mula nang itatag niya ang Beautederm, si Alma na ang kanyang kasama. Ito rin ang kauna-unahan niyang endorser. Kahit nasa 100 na ang celebrity endorsers ng Beautederm, nanatili ang loyalty ni Alma.

Para kay Rhea, napakahirap panatilihin ng loyalty ng isang kaibigan o kasama kaya naman sinuklian niya ang katapatan ni Alma.