Albee

Mayor Albee sa pagkikita nila sa Japan ni Ivana: Chance meeting at business trip lamang

Eugene Asis Feb 12, 2024
81 Views

NAGING malaking usap-usapan ang diumano’y ugnayan ni Bacolod City Mayor Albee Benitez at ng aktres at social media influencer na si Ivana Alawi.

Ito ay pagkatapos ng ilang cryptic posts tungkol sa mayor at producer. Pagkatapos ay may kumalat na video kung saan namataan diumano silang magkasama sa airport sa Japan ng sexy actress-influencer.

Sa video, makikitang tila naghihintay sa pila sa immigrationsi Ivana. Hanggang tila nga dumating na ang kanyang hinihintay na diumano ay si Mayor Albee. Pareho silang nakaputi sa naturang video.

Marami ang na-shock dahil sa naturang video. Nagdududa ang ilan na si Mayor Albee nga ang naturang lalaki. May mga nag-comment na hindi naman gagawin ito ni Ivana kung pera lang ang habol niya dahil una, isa siya sa top vloggers sa bansa at kumikita ng milyon-milyon. Pangalawa, dati nang maykaya si Ivana dahil na rin sa mga minana nito sa nasirang ama na isang Moroccan businessman.

Kung totoo ngang si Mayor Albee ang kasama niya, it must be true love, sabi ng iba.

At ilang araw matapos lumabas ang naturang video, nag-react ang politician-businessman. “Chance encounter” lamang daw ang pagkikita nila ni Ivana.

Nilinaw rin ni Mayor Benitez na ang pagpunta niya sa Japan ay para sa isang “business trip” gaya ng nakasaad sa kanyang official travel order.

Humingi rin ng paumanhin si Mayor Benitez kay Ivana at pamilya nito sa pagkakasangkot nila sa kanyang pribadong buhay.

Dagdag pa niya, “There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.”

Narito ang kabuuan ng pahayag ni Mayor Benitez na ibinahagi niya sa kanyang social media account noong Linggo ng gabi, Pebrero 11, 2024:

“I am fully aware of the video footage that has been circulating which unfortunately does not accurately explain why I was in Tokyo. I went there on a business trip as stated in my official travel order.

“Speculations involving Ms Ivana Alawi are untrue and only serve to put malice into what was clearly a chance encounter.

“I apologize to Ms Alawi and her family who have been unfairly dragged into issues concerning my private life. There is no truth to any and all the rumors spreading and I am setting the record straight to avoid further hurt and damage to them.

“Maraming salamat po.”