Bea

Bea at Dominic kahit may pahayag na tungkol sa kanilang breakup, usap-usapan tuloy pa rin

Eugene Asis Feb 12, 2024
64 Views

Bea1SA wakas, naglabas na ng pahayag sina Bea Alonzo at Dominic Roque. kaugnay sa kanilang breakup.

Ito ay matapos kumpirmahin ng tinaguriang King of Talk na si Boy Abunda ang paghihiwalay ng dalawa.

Ayon pa kay Boy, ‘mapanganib’ ang ginagawang espekulasyon ng marami tungkol sa balitang ito.

Narito ang magkasamang pahayag ng ex-couple sa Instagram nitong Linggo:

“After much thought, consideration, and care, we have mutually decided to amicably end our engagement.

“It was not an easy decision. We wanted to have more time to carefully deliberate and pray about it, but there have been many speculations, questions, and insults.

“Unfortunately some even confirmed out breakup without our consent, created ridiculous stories that had no basis and were utterly false, so we felt the need to share this announcement with great sadness, for our peace of mind and our families.”

Kaugnay nito, humingi ng pang-unawa sa kanilang fans at mga tagasuporta sa kanilang pinagdadaanan na “extremely painful yet united decision.”

“We sincerely request for everyone to kindly spare us from more cruel and very hurtful words thrown on social media,” hiling ng dalawa. “We kindly request to give us the privacy we need as we navigate our future lives with respect, kindness, compassion, and dignity.”

Nakakalungkot lang na matapos ang kanilang mga pahayag, patuloy pa ring nagsasanga ang mga dila. Kung kailan ito matatapos at malalagpasan ng dalawa, panahon lang ang makapagsasabi.