Bren AP. Bren kampeon sa MLBB. Moonton Games photo

AP. Bren tinanghal na kampeon sa MLBB

Robert Andaya Dec 20, 2023
580 Views

TINANGHAL na kampeon ang AP.Bren sa Mobile Legends: Bang Bang M5 World Championship.

Namayani ang AP.Bren team nina Rowgien “Owgwen” Unigo, Kyle “Kyletzy” Sayson, David “Flaptzy” Canon, Angelo “Pheww” Arcangel, at Marco “Super Marco” Requitano laban sa Onic Esports. 4-3, para masungkit ng kampeonato sa Rizal Memorial Coliseum nitong Lunes ng umaga.

Ito ang ika-dalawang kampeonato para sa AP.Bren foursome, na tinanghal ding world champion sa IESF World Esports Championship bilng bahagi ng Sibol team nung September.

Dahil sa panalo, nakabawi din ang mga Filipinos matapos mabigo 3-0 sa kamay ng mga Indonesians sa upper bracket finals

Sa Game 7, binura ng AP.Bren ang anumang pag-asa ng Onic Sports na muling makabangon.

Si Flaptzy, na napiling Finals MVP, ay nagpakita din ng kakaibang galing sa endgame para sa winning team.