Martin

Apat pang kongresista umanib na rin sa Lakas-CMD isang linggo bago ang SONA

Mar Rodriguez Jul 20, 2022
185 Views

HABANG nalalapit ang pagbubukas ng 19 th Congress sa susunod na linggo, lalo naman lumolobo ang bilang ng mga miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) sa Kamara de Representantes matapos umanib ang apat pang kongresista.

Dahil dito, itinuturing ngayon bilang isa sa pinaka-malaking partido politikal sa Kongreso ang Lakas-CMD na mahigpit na sumuporta sa kandidatura nina President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr, at Vice- President Inday Sara Duterte.

Sinabi ni incoming House Speaker at Leyte 1 st Dist. Rep. Ferdinand “Martin” G. Romualdez na ang mga bagong kasapi ng Lakas-CMD ay sina Reps. Isidro Ungab ng 3 rd Dist ng Davao City, Vincent Garcia ng 2nd Dist. ng Davao City, Alan Dujali ng 2nd Dist. ng Davao del Norte at Josefina Tallado ng 1 st Dist. ng Camarines Norte.

Nanumpa ang apat na bagong miyembro ng partido kay Romualdez, Presidente ng Lakas-CMD, sa pamamagitan ng isang simpleng seremonya na sinaksihan naman ni Vice-President Duterte.

“We await with great expectations opportunities for engaging and bonding with them and the rest of our membership. We hope they will have an enjoyable and fruitful engagement with us,” sabi ni Romualdez.

Dahil sa pagkakadagdag ng apat na kongresista sa bilang ng partido,  umakyat na sa 64 ang bilang ng mga kasapi nito.

Muli naman iginiit ni Romualdez na 100% ang suporta ng Laks-CMD sa legislative at unity agenda ni Presidente Marcos.