Brosas TDC Chairman Benjo Basas

Attack sa Ilocos Norte titser kinastigo ng TDC

Arlene Rivera Sep 14, 2024
118 Views

KINONDENA ng Teacher’s Dignity Coalition (TDC) ang napaulat na insidente ng pisikal na pag-atake ng ilang estudyante sa isang high school teacher sa Ilocos Norte nitong Biyernes.

Ilan sa mga larawan at video ng insidente ay kumakalat na ngayon sa social media.

“It’s hard to watch the video, it hurts my chest to see a teacher in uniform, falling to the floor while being physically attacked by students in the classroom. We need to examine this incident and find out why it reached to this situation where some students seem to have no respect for their teachers,” pahayag ni Benjo Basas, chairman ng TDC.

Idinagdag ni Basas na bagama’t hindi pa malinaw ang buong detalye at sitwasyon kaugnay ng insidente, hindi dapat isantabi ang posibilidad na may pananagutan ang mga estudyanteng sangkot, anuman ang kanilang dahilan sa ginawang aksyon.

Aniya, malinaw sa video na sinadya ng mga estudyante na saktan ang guro dahil kahit maraming sumisigaw upang pahintuin ang pambubugbog, ipinagpatuloy pa rin nila ang pag-atake.

Maging ang ilang nagtangkang pigilan sila ay itinulak palayo.

“Perhaps this is one of the bad effects of too many regulations on teachers, particularly disciplinary, especially when DepEd’s Child Protection Policy (DepEd CPP) was implemented,” ani Basas.

Marami nang kaso ng kawalang galang at maging pisikal na pag-atake sa mga guro mula nang ipatupad ang mga patakaran gaya ng DepEd CPP at Anti-Child Abuse Law (RA 7610).

May isang kaso pa nga kung saan namatay ang isang guro matapos pagsasaksakin ng kanyang estudyante.

“It seems that we have a problem with the behavior and discipline of our children today because the authority of our teachers to discipline the students in the school has been almost removed since all kinds of disciplinary actions can be complained and charged as child abuse against the teacher,” ani Basas.

Dahil sa insidenteng ito, muling nanawagan ang TDC sa Kongreso at sa DepEd na agarang umaksyon upang lumikha ng polisiya na magpoprotekta rin sa mga karapatan at kapakanan ng mga guro, gaya ng nakabinbing Teacher Protection Policy bill.

“We want to make the lawmakers in DepEd understand that they accept school disciplines, not only so that the teacher can teach well but also to shape the children’s behavior and teach them the right value in life,” dagdag ni Basas.

Mahalaga ring tugunan ang umiiral na mga problema sa mga paaralan gaya ng mainit at siksikang mga silid-aralan, kakulangan ng mga guro, kakulangan ng SPED facilities, kakulangan ng tamang guidance at counseling programs, at kakulangan ng legal services para sa mga guro at kawani.

Sa mga nakalipas na taon, nakapagtala ang TDC ng mga kaso kung saan inaabuso ang DepEd CPP at RA 7610.

“In many cases, teachers are accused and charged with criminal and administrative charges, harassed, threatened, humiliated in the mainstream and social media, and some, like this one, are physically attacked,” paliwanag ni Basas.

Nakikipag-ugnayan na ngayon ang TDC sa mga tanggapan ng DepEd, partikular sa Ilocos Norte division, na nagsasagawa ng imbestigasyon sa insidente.