Josefa Llanes Escoda.

Sept. 20, 2024 special non-working holiday sa Dingras

Chona Yu Sep 14, 2024
55 Views

NAGDEKALARA si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ng ilang local holidays sa ibat ibang bahagi ng bansa.

Base sa Proclamation No. 680, deklarado ang September 20, 2024, bilang special non-working day sa Dingras, Ilocos Norte bilang pagkilala sa kabayanihan ni Josefa Llanes-Escoda.

Si Escoda ay World War II heroine at founder ng Girl Scouts of the Philippines.

Gugunitain ng Dibgras ang kaarawan ni Llanes-Escoda na ipinanganak noong September 20, 1898.

Nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang proklamasyon para mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na makiisa sa selebrasyon.

Nilagdaan din ang September 21, 2024, na nagdedeklara naman na special non-working day sa San Mateo, Rizal.

Ito ay para sa ika 452 Founding Anniversary ng San Mateo.

Nilagdaan naman ang Proclamation No. 682, na gawing special non-working day ang October 4, 2024 sa Mountain Province para sa selebrasyon ng Provincial Indigenous People’s Day.

Special non-working day sa October 7, 2024, sa Guipos, Zamboanga del Sur para sa 33rd Araw ng Guipos at October 23, 2024 para sa Aldaw Ti Wayawaya-lli A Narvacan.

Special non-working day sa October 24, 2024 sa Pili, Camarines Sur para sa selebrasyon ng Cimarrones Festival.