Phivolcs

Aurora niyanig ng magnitude 4.1 lindol

239 Views

Isang lindol na may lakas na magnitude 4.1 ang yumanig sa Aurora noong Linggo, Nobyembre 20.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) naramdaman ang lindol alas-9:55 ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay 124 kilometro sa silangan ng Baler at may lalim na pitong kilometro.

Naitala ng PHIVOLCS ang mga sumusunod na Intensity:

Intensity III – Baler, Maria Aurora, and Dipaculao, Aurora

Instrumental Intensities:

Intensity III – Baler, Aurora

Intensity II – Dingalan, Aurora

Intensity I – Cabanatuan City, Nueva Ecija; Infanta, Quezon; Madella, Quirino