Bagong savings account ng LandBank pwedeng P1 minimum na deposito

133 Views

MAY bagong savings account ang LandBank of the Philippines at maaaring piso ang minimum initial deposit nito.

Inilungsad ng LankBank ang “Perang Inimpok Savings Option” o PISO account na ang target ay mahikayat ang mga Pilipino na wala pang bank account.

Ang maximum na deposito sa account na ito ay P50,000.

Ang regular savings account ay may minimum na deposito na P10,000.

Upang makapagbukas ng naturang account ay kakailanganin lamang isang valid identification card o barangay certification, barangay clearance o ID na maaaring magamit para sa berepikasyon.

Ang programa ay bahagi umano ng financial inclusion agenda ng gobyerno.