Sunog1 Inaapula ng mga pamatay sunog ang apoy na nilamon ang mga kabayahan sa Sampaloc, Manila. Kuha ni JONJON C. REYES

Bahay ng 300 pamilya sa Sampaloc tinupok ng sunog

306 Views

TINATAYANG nasa 300 pamilya ang nawalan ng tirahan sa M Dela Fuente Street at Amelia St. sa Barangay 439 hanggang sa Barangay 448 ,Sampaloc,Manila, Martes ng madaling araw

Base sa ulat ni Barangay Chairman Leozaldy Pilar, aabot sa 300 ang nawalan ng tirahan sa naturang lugar ng bandang 12:32 ng madaling araw.

Agad na kinordon ang lugar ng mga tauhan ng Sampaloc Police Station 4 ng Manila Police District sa anumang mangyayaring gagawa ng masasamang loob.

Mabilis namang nagresponde sina Police Lieutenant Mervin Sumang, ng Sector 3, at mga tauhan ng Station 4 kabilang ang mga pamatay sunog.

Nagsimula ang sunog sa isang bahay sa Amelia Street hanggang sa kumalat dahil sa parang gawa sa light materials.

Wala namang naideklarang patay sa sunog na umabot sa ika-4 na alarma.

Ayon kay Fire Senior Supt. Aristotle Bañaga ng Manila Bureau of Fire Protection, dakong 5:44 ng umaga nang ideklarang patay na ang sunog.