Marites Lang

Bakit Kailangan ang General sa DOH?

Marites Lang Oct 30, 2022
253 Views

NALOKAH sina Dok at Doktora na nag apply sa Department of Health(DOH) sa appointment ni Kuya Gen Camilo Cascolan as Undersecretary. Hindi nila ma-integrate at ma-synthesize ang need to place a general in that area of public administration. Siyempre kung kilala mo si Sun Tzu at binasa mo ang Art of War ay gets na gets natin si PBBM sa kanyang da-moves. Ang aking hagip sa ginawa niya ay “ngangers” na may “huwaw” pa. Bakit ‘kanyo? Try ko himayin ito dear readers.

Unang una sa lahat ay andaming threats sa gobyerno ngayon like terrorism galing sa mga NPA na no permanent address at hindi naliligo usually; Abu Sayyaf na walang kasaya-saya sa kabundukan at pati tenga ng mga sundalo ay ginagawang chewing gum; pandemic threats; biological warfare; climate change; at pati cyberterrorism na bukod sa panghuhuwad ng credit cards ay kung anu anong ginagawa para makapanggulo sa society at sa economy by using the cyber space. Eh siyempre i-sali natin ang troll farms sa huling category: cyberterrorism.

Paano ngayon ang public health programs ng gobyerno makakarating sa countryside knowing these threats? At kahit sa urban setting ay dapat aware tayo sa mga threats. Alam kaya ni Dok at Doktora na ang gamot na pang inject sa mga tao sa probinsya at sa siyudad man ay dapat ma-maintain na secure at hindi iniiwan basta basta sa kung saan lang. Siyempre dapat naka secure ang mga ito. Alam ba nila ang accurate na statistics at ang proper way to reach the grassroots? What about the urban poor who need government support when it comes to public health issues? Ang logistics Teh ay parte ng dapat akmang-akma na mapagaralan para effective ang administration ng public health strategies. Paano aabot sa malayong bundok ang mga gamot ng walang military coordination? Paano effective na maiilatag ang ating gamutan at mga ops kung hindi marunong sa urban warfare ang isa sa mga nagpaplano ng public health concerns ng gobyerno?

Sabi ni Sun Tzu know the enemy and yourself. Ang mga nag-aadminister ng public health strategies ay dapat kabisado ang mga statistics, strengths, weaknesses, opportunities at threats sa concepts ng public health administration. Isang dalubhasa sa rural at urban warfare ang kailangan dito. Ngayong nandyan si Kuya Gen mapapagtuunan ang mga ito ng pansin kasi siempre, kabisado niya ang terrain. ‘Di ba sabi din nga ni Sun Tzu, know the terrain.

Isa pa sang-ayon sa kanyang aklat na Art of War, to fight and conquer in all battles is not supreme excellence. Supreme excellence consists in breaking the enemy’s resistance without fighting. In short, ang mga threats na ito ay puedeng i-address ng hindi kailangang mag-engage sa warfare. Kabisado ng isang mahusay na pinuno ang manalo ng hindi kailangang mag engage sa battlefield, in short. Pasensya na e madami nman silang pinuno sa DOH kaya ang mag inject ng warfare strategies sa linyang ito at sa panahong ito ay akmang akma. Galing ng PBBM natin di ba? As a military expert marunong siempre sa field si Kuya Gen kaya inilagay siya sa public health para maiayos ang general health ng mga pinoy at the same time ay tuloy tuloy ang research sa field ops. Hitting several birds with one stone ito!

In Tagalog, hindi kailangang makipaglaban ng diretsahan para ipanalo ang laban na itayo ang bandera ng pamahalaan sa specific area na ito. Kung magiging mabilis ang delivery ng health services na walang resistensya kahit kaninong grupo ay mas mahusay. Win-win situation yun. Ang hindi ito gets ay medyo nasa Row 4 sa lecture ng Planning Strategies na subject nung college. O kaya ay hindi umabot ang learnings sa mga concepts na itetch. Tapos andaming hanash sa social media. Hmph! Mga cyberterrorists na sila clueless pa. Inang ang hirap gumalaw sa mundo ng madaming obobs noh!

Subalit iwasan nating maging judger. Baka nalito lang naman sa ingay ng mga haters ng gobyerno sila. At me mga nagpa cute pa na nag comment sa strategy ng mahal nating Pangulo… Oi kung hindi abot ng analysis nyo ang galaw ng ating pinuno puede ba magtanong kayo muna sa mga mas beteranong kibitzers na hindi taga kibit-balikat lang naman.

Ayan malinaw yan ha… Hindi kailangang i-discuss nila Kuya Gen ang national security sa pagpaparating ng remedies sa mga public health issues. Baka akala nyo ay random thing at pinulot lang sa kung saan ang idea na maglagay ng Kuya Gen sa DOH noh! May ibig sabihin ito mga ate at kuya. Seryoso ang mahal nating Pangulo iayos ang mga bagay na may kinalaman kay Juan Dela Cruz at kay Juanitang ayaw magpasan ng cruz. Oh siya tama na ang hanash at pagpapanggap na Ding Magaling ha! May respeto kami sa mga doctor at doktora subalit hindi lahat ng linya ng buhay ay experts kayo. Madaming hagdan papunta sa ating minimithing tagumpay sa buhay. Huwag kayo mang-box out ng hindi nyo gets ang logic behind their presence please lang. Madami pang pwesto sa gobyerno na pwede kayong mag apply. Sige try lang ng try. Huwag magagalit kung hindi kayo napagbigyan lalo na kung nangampanya kayo sa ibang kandidato ha. Tumigil na kayo kahahanash at me threats ngayon na dapat asikasuhin muna.