Gomez Kinilala ni Policer Lieutenant Colonel Mike Gomez ang naarestong suspek matapos matyempuhan ng mga operatiba ng MPD Baseco Police Station13 sa harap ng isang mall sa Binondo, Manila. Kuha ni JONJON REYES

Bakla arestado sa harap ng mall sa kasong pagpatay

Jon-jon Reyes Apr 23, 2025
48 Views

NABINGWIT ng mga operatiba ng Baseco Police Station 13 ng Manila Police District (MPD) ang isang 29-anyos na tinaguriang ” Bakla” makaraang matimbog sa harap ng isang mall sa Reina Regente Street, Binondo,Manila, sa kasong pagpatay, Martes ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Jorakim Salum alyas Bakla, 29, binata, helper, ng Baseco Compound, Port Area, Manila.

Base sa ulat ni Police Liuetenant Armando Dela Cruz Jr., hepe ng Warrant and Subpoena Section kay Police Lieutenant Colonel Emmanuel (Mike) Gomez, station commander, bandang 2:30 p.m. nang damputin ang suspek makaraang inguso ng mapagkakatiwalaang impormante sa harap ng naturang mall.

Si alyas Bakla ay itinuturing na most wanted person sa kanilang lugar

Nabatid sa report ng pulisya na ang suspek ay nahaharap sa kasong murder sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Judge Philipp Charles G. Santos, ng Regional Trial Court, Branch 45 ng Manila.

Walang inilaang piyansa para sa pansamantalang paglaya ng suspek..