Bala, droga itinago sa sapatos, nabuking sa airport

242 Views

NAHARANG ng mga tauhan ng Office for Transportation Security (OTS) sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 (NAIA-3) ang isang lalaki dahil sa dalawang bala at pinaniniwalaang droga na nakatago umano sa sapatos nito.

Napansin umano ng OTS x-ray operator na si SSO Narding Baylon Jr. ang

kahina-hinalang imahe ng dumaan ang sapatos ni Qiang Qian, isang pasahero ng China Southern flight number CZ3092 na patungong Guangzhou.

Nagsagawa umano ng manual inspection sa sapatos si SSO Christine May Lagahan. Inalis umano ng pasahero ang lining ng sapatos at dito nakita ang sachet na mayroong lamang puting bagay at dalawang bala.

“This is a major blow to those attempting to circumvent security. Our robust screening protocols such as the mandatory footwear removal, enable us to effectively identify and intercept prohibited items, ensuring the security of all individuals within transport facilities,” ani OTS Administrator Undersecretary Ma.O Aplasca.

Ang bala at pinaniniwalaang ipinagbabawal na gamot ay ibinigay ng OTS sa Philippine National Police Aviation Security Group, at Philippine Drug Enforcement Agency.