Bangkay

Bangkay na may boga sa tabi natagpuan sa Balayan

32 Views

NATAGPUANG patay ang magsasaka noong Linggo sa Brgy. Santol, Balayan, Batangas na may katabing baril na 9 mm.

Ayon sa mga kamag-anak ng biktimang si Joey Caringal Macatangay, 53, nakita siya banyo na walang buhay at halos naliligo sa sariling dugo at may baril sa tabi nito.

Ipinahayag na ang biktima may depresyon at may mga naunang pagtatangkang magpakamatay.

May nakasuksok na magasin sa baril na may tatlong bala at dalawang pinaputok na bala.

Pumirma ang mga kamag-anak ng biktima ng waiver na tumatanggi sa karagdagang imbestigasyon at autopsy sa bangkay ng biktima.