Basketbolista bagong scholar ng Bulabog Malasakit

Christian Supnad Jan 25, 2025
17 Views

BAGONG scholar ng Bulabog Malasakit si Aeron Sumiquiab, ang masigasig na kabataang may pangarap na maging propesyonal basketball player.

Dahil sa pagsisikap at talento sa paglalaro ng basketball, napili siyang maging bahagi ng junior basketball team ng Arellano University sa Manila.

Si Aeron sumusuong sa bagong yugto ng buhay tulad nina Joshua Rocillo Cabico at Marilyn Bilog, na scholars din ng Bulabog Malasakit.

Dahil sa pangarap at pangangailangan ng pinansyal na suporta, lumapit siya sa Bulabog Malasakit at tinugunan ni Chairman Jhun Mamitag Retuta Lachica, kasama ang kanyang mga anak na sina Elmo at Bart.

Sama-sama nilang susuportahan si Aeron upang matupad ang kanyang mga pangarap at magbigay karangalan sa ating barangay.

Layunin ng Bulabog Malasakit na magbigay ng pagkakataon sa mga kabataan na tulad ni Aeron.