Calendar

Bataan pulis naka-iskor vs iligal drugs: 4 suspek huli, P39K shabu nakuha
CAMP PFC CIRILO S TOLENTINO, BALANGA CITY, Bataan – Naka-iskor na naman laban sa droga noong Martes ang Bataan police sa pangunguna ni Col. Marites A. Salvadora, matapos makaaresto ng apat na drugs pusher sa buy-bust operations at naka-kumpiska sila ng loose gun pati P39,000 halaga ng shabu.
Ayon kay Col. Salvadora, Bataan police directress, noong May 27, 2025, bandang 4:00 PM, ang police operatives ng Hermosa Municipal Police Station sa coordination sa PDEA Regional Office 3, ay matagumpay na nagsagawa ng buy-bust operation sa Barangay Balsik, Hermosa, Bataan, na nagresulta sa pagkakaaresto ng tatlong suspek matapos silang magbenta ng heat-sealed sachet ng shabu sa PNP poseur buyer kapalit ng P500 marked money.
Nakumpiska rin sa mga suspek ang isang 38 caliber revolver na may dalawang live ammunition at sachets ng shabu na limang gramo ang timbang at nagkakahalaga ng P34,000.”
Sa isang hiwalay na operation sa Barangay Tagumpay, Orani, Bataan, sinabi ni Col. Salvadora na isang suspect ang nahuling nagbebenta ng caliber .38 revolver na may tatlong round ng ammunition sa halagang P4,000.”
Ang mga pulis ay naka-recover din mula sa suspek ng dalawang sachet ng shabu, na tumitimbang ng limang gramo.
“The arrested individuals will face appropriate charges for violation of Sections 5 and 11, Article II of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002), and violation of RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act),These operations not only eliminate dangerous substances from our communities but also help deter possible acts of violence and criminal acts. These achievements demonstrate the firm commitment of our local police to protect the province from the dangers posed by illegal drugs and loose firearms,” ani Col. Salvadora.