Calendar
Batangas ginulat ang Quezon City sa overtime
NAKABANGON ang Batangas City Tanduay Rum Masters mula sa tiyak na kabiguan upang payukuin ang Quezon City TODA Aksyon, 76-73. sa overtime para sa ika-pitong panalo sa walong laro sa MPBL (Maharlika Pilipinas Basketball League) Sixth Season sa Bren Z. Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.
Umiskor si Mark Dela Virgen ng 19 points, kabilang ang three-point shot sa 10-2 finishing kick ng Batangas sa huling 45 segundo ng laro upang burahin ang eight-point lead ng Quezon City, 61-53, at dalhin ang laban sa overtime, 63-all
Matapos nito, tatlo pang sunod na three-pointers — dalawa mula kay Levi Hernandez at isa mula kay De la Virgen — ang nagbigay sa Batangas ng 72-67 kalamangan na may 2:08 na lamang ang nalalabi.
Napiling “Best Player of the Game” si De la Virgen, na may apat ding assists at two rebounds, laban sa teammate na si Hernandez, na nagtapos na may 13 points, kasama ang dalawang free throws para sa final count, at four rebounds.
Si Jong Baloria ay may eight points, kabilang ang four-point play sa 10-2 scoring run na nakatulong para makabawi ang Batangas.
Sina Yambing at Rafael Are ang namuno sa kanilang 19 at 18 points para sa Quezon City, na bumaba sa 3-4 sa overall standings.
Si Jason Ballesteros ay may 11 points plus 13 rebounds p ara sa Quezon City.
The scores:
Batangas (76) — Dela Virgen 19, Hernandez 13, Isit 9, Porter 8, Ochea 8, Baloria 8, Cruz 4, Ambulodto 4, Apinan 3, Oliva 0, Arim 0, Alarcon 0, Importante 0, Asuncion 0, Lunor 0.
Quezon City (73) — Yambing 19, R.Are 18, Ballesteros 11, M. Are 8, Mosqueda 5, Roman 4, Desoyo 3, Tibayan 3, Sawat 2, Cosari 0, Josef 0, Tauto-An 0, Cauilan 0, Bienes 0, Gesalem 0.
Quarterscores: 6-12, 21-28, 41-46, 63-63, 76-73.