Senado igagalang pasya ng taumbayan
May 11, 2025
Reporma sa insurance system nararapat na–LCSP
May 11, 2025
Focus muna sa career, iwas sa bad vibes
May 11, 2025
Calendar

Provincial
Batangas gov, vice gov nakiramay sa pamilya ng biktima ni Kristine
Jojo Cesar Magsombol
Oct 27, 2024
189
Views
BATANGAS–Pumunta sina Gov. Hermilando Mandanas, Vice Governor Mark Leviste at 3rd District Board Member Alfredo Corona noong Sabado sa Talisay, Laurel at Cuenca, Batangas para makiramay sa pamilya ng mga namatay dahil sa bagyong Kristine.
Nagbigay si Mandanas ng pinansyal na tulong sa mga kaanak ng mga nasawi. Nakipagpulong din ang gobernador sa mga kinatawan ng lokal na pamahalaan.\
Samantala, patuloy ang disaster teams ng Batangas sa pagsasagawa ng search, rescue, retrieval, relief, medical at clearing operations sa lalawigan.
Isa ang Batangas sa mga lubhang naapektuhan ng paghagupit ng naturang bagyo.
Nakaranas ang Batangas ng halos walang tigil na ulan na may kasamang matinding hangin mula umaga hanggang gabi.
Money ban ops 1 nalambat
May 11, 2025
Pampanga cops rumemate; 8 arestado
May 10, 2025