Fake

Bato pinuna sa pagpapakalat ng pagpapakalat ng ‘fake news’ gamit AI

25 Views

PINUNA ng tagapagsalita ng House prosecution panel sa impeachment si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpapakalat ng artificial intelligence-generated na content laban sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, na nagpapakita rin umano ng pagkiling nito sa halip na maging patas sa Senate impeachment trial.

“Kaya ho merong isasabatas against fake news. Meron hong samahan ‘yung Movement Against Disinformation. Ang target po niyan, among others ay ‘yung mga fake media productions gaya po ng AI,” sabi ng tagapagsalita na si Atty. Antonio Audie Z. Bucoy.

“Kung alam po ni Sen. Dela Rosa na fake ‘yun, he’s propagating a lie,” dagdag pa niya.

Tinutukoy ni Bucoy ang isang kontrobersyal na post ni Dela Rosa kung saan ibinahagi nito ang link sa isang AI-manipulated video na nagpapakita ng mga estudyanteng umano’y tutol sa impeachment trial laban kay VP Duterte.

Ang nasabing video ay kumalat sa social media at na-flag na ng mga fact-checker at media watchdog bilang peke.

“The message doesn’t matter. If the source is fake, how can you rely on the message? Hindi po ba? Kung polluted ‘yung source, eh ‘di polluted ‘yung message. So, pure propaganda. It only emphasizes the bias,” dagdag ni Bucoy.

Si Dela Rosa, na inaasahang magsisilbing senator-judge sa nalalapit na impeachment trial, ay umaming alam niyang AI content ang kanyang ibinahagi at naninindigan siyang naniniwala pa rin siya sa mensaheng ipinaparating nito.

Nang tanungin kung ano ang masasabi sa tila kawalang-pakialam ng senador sa katotohanan, hindi nagpaikot-ikot si Bucoy.

“Well, if he doesn’t care then huhusgahan siya ng bayan. Pag takbo niya sa susunod, hindi na siya iboboto,” ani Bucoy. “It’s political suicide.”