BBM Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

BBM landslide victory sa Leyte

252 Views

LANDSLIDE umano ang magiging panalo ni Partido Federal ng Pilipinas standard-bearer Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. sa Leyte.

Ayon kay Gov. Leopoldo Dominico Petilla kay Marcos mapupunta ang 70-80 porsyento ng mga boto sa Leyte sa paparating na halalan.

“We have already endorsed BBM. This is just a rally to reiterate our support. Unang-una, galing siyang Leyte. Regionalistic tayo at talagang kinakampihan namin ang taga-rito. Endorsing him is not just my decision, lahat kami rito sinusuportahan namin siya,” sabi ni Petilla.

Ang nalalabi umanong 30 hanggang 20 porsyento ay paghahati-hatian pa ng iba pang kandidato kaya tiyak na ang panalo ni Marcos.

Nais ni Petilla na madagdagan pa ang boto ni Marcos kaya nanawagan ito sa mga sumusuporta na kumbinsihin ang kanilang mga kapitbahay na si BBM na ang iboto.

“Maganda rin na nangungumbinsi pa kayo ng mga kamag-anak at kaibigan niyo na suportahan si BBM. Pero ang mas importante ay ‘yung pagdating ng May 9, kahit umuulan din, ay lumabas kayo para iboto niyo siya,” sabi ng gubernador.